Abante Tonite Interactive

Ramos atbp ng Pitmasters sa AAO Big 6-Stag Derby

0 299

Bitaw na sa Las Piñas Coliseum ang inaabangang sagupaan ng mga sabong heavyweight, sa larga ng “AAO Big Event 6-Stag Derby” ngayong Sabado, Sept. 7 tampok ang higit 140 sultada.

Mangunguna ang Team Pitmasters ni host Gerry Ramos, Charlie “Atong” Ang, RJ Mea, Reps. Eddiebong Plaza at Cong. Sonny Lagon.

Hinayag Biyernes ni Ramos na may ilang kalahok sa World Pitmasters Cup 9-Stag Derby sa Sept. 19 sa Resorts World Manila ang mga kasali rin dito.

Para sa mga smalltime at medium-scale cocker, kasunod na sa LPC ang “30th Anniversary 5-Stag Derby” sa Lunes, Sept. 9.

May 2-stag elimination rounds ito sa Sept. 9 at 12 habang Sept. 15 ang 3-stag finals.

Sa Linggo, Sept. 8 ang submission ng entries at puwede ang locally-banded stags ng International Federation of Gamefowl Breeders (FIGBA-Bakbakan) at Pambansang Federation Ng Gamefowl Breeders, Inc. (PFGB,Inc- Digmaan).

Tawagan lamang sina Grace 1 sa 873 1040 at 0929 1800 960, Grace 2 sa 0939 1376 455 at Julius sa 0915 3582 076 para sa iba pang mga detalye. (Enjel Manato)