Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ramos, Gilas pinulbos India

0 120

Pasiklab si Dwight Ramos ng 21 points sa 9-of-18 shooting, 5 rebounds, 4 steals at 2 assists sa 29 minutes job nang dominahin ng Gilas Pilipinas ang India, 79-63, sa 19th International Basketball Bederation 2023 World Cup Asian Qualifiers third window sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay Linggo ng gabi.

Siyam na puntos agad ang kinamada ng Japan B. Leaguea veteran sa maangas na pasimulang 21-10 atake ng Nationals patungo sa dambuhalang 24 na kalamangan (48-24) at ‘di na nilingon ang bisitang Indians.

Iyon ang pangalawang panalo ng Pinoy quintet, nakawala sa kambal na mga olats sa New Zealand para sa 2-2 wn-loss record at balyahin ang kalaban sa 0-4.

Kasabwatan ni Ramos sa opensiba ng PH 5 si Kiefer Isaac Ravena na may 12 markers, at si Will Navarro na umiskor ng 11.

May 13 pts. si Muin Bek Hafeez sa pamumuno sa India.

Ang iskor:

Philippines 79 – Ramos 21, Ravena 12, Navarro 11, Tamayo 9, Quiambao 6, Lopez 6, Abarrientos 5, Chiu 5, Abando 2, Belangel 2.

India 63 – Hafeez 13, Krishnan 12, Sekhon 12, Bhriguvanshi 8, Goti 7, Rawat 7, Prince 2, Aryan 2, Tomar 0, Nayak 0.

Quarters: 21-10, 45-24, 65-44, 79-63. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.