Abante Tonite
Mabilis sa Balita

16-anyos Pinay lifter sumungkit ng 2 ginto

0 49

Pumitas ng dalawang gold medal si Rose Jean Ramos sa kasalukuyang ginaganap na 2021 International Weightlifting Federation (IWF) Youth World Championships sa Jeddah, Saudi Arabia, Miyerkoles ng gabi (Manila time).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Namayagpag ang 16-year-old Pinay weightlifter sa women’s 45kilogram division total sa 147kg at sa snatch sa 67kg. May silver din siya sa clean and jerk sa iniangat na 80kg.

Unang nakamedalya para sa Pilipinas sa kompetisyon si Jeaneth Hipolito nang mag-bronze sa women’s 40-kilogram division snatch sa likod ng 51kg lift. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.