Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ramos tanso sa weightlifting

0 84

HINDI hinayaan ni Rosegie Ramos mabokya ang Pilipinong weightlifters sa unang araw ng kompetisyon matapos na magwagi ng tansong medalya sa women’s 49kgs category Huwebes sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Itinala ng 17-anyos mula sa lugar ng weightlifting sa bansa na Zamboanga City ang kabuuang lift na 179kgs upang agad na makasungkit ng medalya sa una nitong pagsabak sa torneo na ginanap sa Hanoi Sports Training and Competition Center.

Binuhat ng dating junior lifter na si Ramos ang 81kgs sa kanyang ikatlong attempt sa snatch na ikalawang mataas sa disipilna bago nagrehistro ng 98kgs sa ikalawang pagtatangka sa clean and jerk.

Iniuwi ni Surodchana Khambao ng Thailand ang ginto sa SEA Games record na 195kgs mula sa 88kgs sa snatch at 107kgs sa clean and jerk habang si Dinh Thi Pham ng host Vietnam ang nagwagi sa pilak sa 183kgs mula sa 80kgs at 103kgs. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.