Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ramos, Toyama sinilat Mikawa

0 75

Sakto na ang inayudang mahalagang 6 points ni Dwight Ramos upang yanigin ng Toyama Grouses ang Mikawa Seahorses, 81-78, sa pagpapatuloy ng 7th Japan B.League 2021-22 Division 1 regular season game sa Toyama City Total sa Toyama Prefecture Linggo

Pa-wow sa kampo ng Pinoy import si Joshua Smith na kumamada ng 27 markers, habang umiskor ng 13 si Brice Johnson at 11 si Julian Mavunga upang umangat ang winning squad sa 23-34 win-loss record sa pagkapit sa 14th place.

Lumaylay ang baraha ng Mikawa sa 28-21 sa pananatili pa rin sa pangwalo sa 22-team men’s hoopfest, walang bisa ang kinayod na 27 pts. ni Joshua Smith.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Makakasagupa ni Ramos at ng Grouses sa darating na Sabado, Mayo 7 ang pumapang-17 at may 19-34 na Hokkaido Levanga.

Nangapa naman sa pagtapos lang ng dalawang puntos si Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III nang sumemplang ang San-En NeoPhoenix (10-45) kontra sa nasa 12th spot na Shinshu Brave Warriors (25-26), 88-85.

‘At ‘di lumaro si Bobby Ray Parks Jr. sa nasa pampitong Nagoya Diamond Dolphins (32-14) na nilunod ng nangungunang Ryukyu Golden Kings (47-6). (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.