Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rampa sa 2022 Asiad: Clarkson atat bumalik sa Gilas

0 220

Kung papalarin at swak sa kanyang schedule, asam muli ni National Basketball Association journeyman Jordan Clarkson ng Utah Jazz na katawanin ang ‘Pinas sa paglalaro sa Gilas.

Unang nakapag-Philippine quintet ang 28-year-old, 6-foot-5 combo guard sa 2018 Indonesia Asian Games sa Indonesia kung saan dinala niya ito sa fifth place. Nasa Cleveland Cavaliers pa siya noon.

“Yeah, that’s definitely something I want to do,” siwalat ni Clarkson Huwebes sa The Game ng One Sport. “Hopefully, everything lines up and I’m free that time and that moment and I’ll put that Gilas jersey back on and go win us something.”

Ito ang pangalawang pahayag ni Clarkson sa April nang kagigilang makapaglarong muli sa Pinoy squad. Unang lingo pa lang ng nasabing buwan, sinabi na rin niya ang kagayang saloobin sa New York Times.

SM food to go Banner Ad

Atat ang basketbolista na makabawi mula sa kabighuang mag-podium finish sa Asiad sa susunod na edisyon ng quadrennial meet sa 2022 sa China.

“I thought we could’ve won the whole thing, but we’re getting another shot at China and everybody else,” tanaw-balik niya sa pagbibida sa lahat ng scorers sa PH-China game sa 28 points, pero olats ang mga Pinoy, 80-82.

Nais niyang maglarong local player sa 2022 Asiad makaraang tawaging 2018 naturalized player ng International Basketball Federation. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.