Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ramsay suspendido kontrata sa GMA

0 225

Nilantad ni Derek Ramsay na ‘freeze’ muna ang kanyang exclusive contract sa Kapuso network kaya madalang lang magkaroon ng project.

“Freeze, suspended, it’s more like it,” wika ng aktor sa panayam ng dzRH. Sinabi ni Derek na mutual decision umano nila ng GMA na suspendehin ang kanyang kontrata.

Paliwanag ni Derek, nag-iingat daw kasi siya sa COVID-19 kaya hindi muna handang tumanggap ng mga bagong proyekto.

SM food to go Banner Ad

Aniya, in-offer sa kanya ang ‘To Have and to Hold’ nina Rocco Nacino at Carla Abellana, pero umatras siya dahil sa pandemic.

“So, naintindihan naman ng GMA yun, they respected my decision. So, nag-decide kami na i-suspend muna yung kontrata hanggang ready na ako magtrabaho ulit, when I feel na it’s safe na to work,” lahad ni Derek.

Aniya, kung sakali mang ready na siyang magtrabaho ulit ay puwedeng i-reactivate ang kontrata. (Ray Mark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.