Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Randle kinatay Bulls

0 201

Nagbaon ng career high-tying 5 3-pointers si Julius Randle at pinigil ng New York Knicks ang Chicago Bulls 107-103 sa 75th NBA regular season game sa United Center sa Illinois Miyerkoles ng gabi.

Tumapos si Randle ng 27 points na pinalamutian ng 6 rebounds at 6 assists, umayuda ng 20 pts. at 8 rebs. si Elfrid Payton sa New York na umakyat sa 10-13 win-loss mark.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tilapon ang Bulls sa 8-12.

Sa naunang dalawang laro’y nagsalansan ng 30 o higit pa si Bulls sharpshooter Lauri Markkanen pero nalimitahan sa 9 pts. lang. Binitbit ng 24 pts. ni Zach LaVine ang Chicago, nagdagdag ng 19 si Thaddeus Young. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.