Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Randle, Knicks lusot vs Magic

0 308

Pininturahan ni Julius Randle ang pangatlo niyang triple-double ng season para akayin ang New York Knicks sa manipis na 94-93 win laban sa Orlando Magic sa 75th NBA regular season game nitong Huwebes sa Madison Square Garden.

Tumapos ang All-Star foirward ng 18 points, 10 rebounds at 17 assists. May double-double na 21 pts., 10 rebs. si Alec Burks, umayuda ng 20 pts. si Reggie Bullock at ang pinakamahalaga sa anim na steals ng Knicks.

Sa final possession ng Orlando, ninakaw ni Bullock ang pasa ni Evan Fournier at naselyuhan ang panalo ng New York, umangat sa 21-21 win-loss slate at tinulak ang kalaban sa 13-27.

Nagtistis ng 23 pts. si Fournier para sa Magic, may tig-17 sina Aaron Gordon at Nikola Vucevic na kumalawit pa ng 16 rebounds.

“I made a rookie mistake,” ani Fournier sa last play. “Instead of reading the play, I starting the play ahead and I was anticipating (Knicks double-team).” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.