Abante Tonite Interactive

Range Rover ni Kuya Kim nagliyab sa BGC

1,525

Tustado ang harapan ng sasakyan ng ABS-CBN “Matanglawin” host na si Kim Atienza matapos itong magliyab sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Sa Instagram post ng Kapamilya host, nagpasalamat ito dahil hindi napahamak ang kanyang asawa na si Felicia Atienza, na posibleng siyang nagmamaneho ng kanilang sasakyan nang mangyari ang insidente.

Makikita sa video na malaki ang apoy mula sa harapang bahagi ng sasakyan ni Kuya Kim, na base sa mga larawan ay nasunog maging ang driver’s seat pati ang manibela.

“This car served us well. Bye bye Rangie,” saad sa post ni Kuya Kim.

Ilan naman ang nag-alala sa nangyari katulad nina Karen Davila, Angel Locsin, Kris Lawrence at iba pang kasamahan sa industriya ni Atienza. (Ray Mark Patriarca)