Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ranidel napikon, nambato ng bola

0 408

Ibinahagi ni ex-PBA cager Ranidel de Ocampo na minsan na itong hindi nakapagpigil ng damdamin sa loob ng court.

Kahit markado si 39-anyos cager Ranidel bilang ‘magulang’ dahil sa pasimpleng pananakit, minsan na rin siyang hindi nakapagpigil sa naramdamang pagkabuwisit.

Nangyari aniya ito nang makalaban nila ang bansang Mongolia noong 2014.

Kwento ni ‘RDO’, hindi niya natiis noon ang ugali ng Mongolians dahil kahit tambak na, nananakit pa rin ang mga ito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Nanakit kasi sila. Tambak na nga sila, nananakit pa eh hindi ako nakapagpigil,” pagbabalik-tanaw ni Ranidel sa KWENTUHAN podcast ni Mikee Reyes.

Bilang ganti, pasimpleng bato na lang sa mukha ang kanyang ginawa.

“In-inbound ko ‘yung bola tapos kunwari magbi-base line pass ako, pero’ yun pala itatama ko sa mukha [ng defender], pak,” kwelang kwento nito.

“Kunwari dun ako nakatingin sa papasahan ko pero [ibabato ko] sa mukha niya. Pak!” dugtong pa nito. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.