Abante Tonite Interactive

Rape nabuking sa nabuntis na pamangkin

By
2,148

Bilangguan ang bagsak ng isang 48-anyos na lalaki sa Pasay City matapos madiskubre na ginagahasa pala nito ang dalawang menor de edad na pamangkin ng kanyang kinakasama hanggang sa mabuntis pa ang isa sa mga biktima.

Nasakote ng mga tauhan ni Sr. Supt. Noel Flores ng Pasay City Police ang suspek na si Edwin Estudillo, walang trabaho.

Base sa imbestigasyon ni SPO4 Joel Landicho, ginagahasa ng suspek ang 14 at 12-anyos na mga pamangkin ng kanyang kinakasama sa loob ng bahay ng mga ito tuwing wala ang kanilang mga magulang.

Natuklasan ang paglalapastangan sa dalawang biktima nang mabuntis ang isa sa kanila na kalaunan ay nakunan dahil ginagahasa pa rin umano ng suspek sa kabila ng kalagayan nito.