Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rape-slay convict Antonio Sanchez ligtas sa COVID

0 91

Negatibo sa COVID-19 ang dating mayor at convicted murderer, rapist na si Antonio Sanchez matapos na dalhin sa New Bilibid Prison Hospital nang makaranas ng pagsusuka, diarrhea at paghahabol ng hininga.

Ayon kay Bureau of Corrections Spokesperson Gabriel Chaclag, isinailalim sa swab test ang dating alkalde. Nilinaw naman din nito na bumubuti na ang kalagayan ng 71-anyos na si Sanchez na utak umano sa pagpatay kina University of the Philippines Los Baños students na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez noong 1993. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.