Abante Tonite Interactive

Rape suspect sa Quezon pinatay: Duterte walang kinalaman – Palasyo

396

Itinanggi ng Malacañang na may kumpas ito sa pagkamatay ng isang rape suspect sa loob ng kulungan sa Candelaria, Quezon.

Sa kabila ito ng hayagang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na hanapin at patayin ang serial rapist na nambibiktima umano ng mga bata sa Quezon na matapos halayin ay pinapatay ang mga biktima.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na wala itong kinalaman sa utos ng Presidente at dapat lamang na maimbestigahan ng mga awtoridad.

“No, I don’t think so. That should be investigated kung bakit,” ani Panelo.

Ang utos aniya ng Presidente sa Regional Director ng Philippine National Police sa Quezon ay kumilos at aksiyunan ang mga insidente ng panghahalay at pagpatay sa mga batang biktima.

Katunayan ani Pa­nelo, nais ni Pangulong Duterte na makausap ang opisyal sa Quezon dahil naging kapansin-pansin aniya ang ulat ng rape-slay cases ng mga bata sa lugar.

“In fact, I think, that’s the thing that triggered his instructions to have a one-on-one interview. Because he noticed that in that part of this country, there had been reports of rapes and the victims being killed.
That’s why he instructed nga the OIC to do something about it,” dagdag ni Panelo.

Nitong Miyerkoles ay napaulat ang pagkamatay ng rape suspect na si Ricardo Burce sa loob ng piitan sa Candelaria na umamin sa pagdukot, panghahalay at pagpatay sa walong taong­ gulang na batang babae noong Enero 6. (Aileen Taliping)