Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rape suspek kinatay ng kasambahay

0 256

Patay ang isang lalaki matapos itong tadtarin ng saksak ng babaeng umano ay kanyang ginahasa habang natutulog sa kuwarto ng huli sa Sta. Rosa Laguna noong araw ng Pasko.

Sa report ng Sta Rosa police, alas-9:00 ng umaga nang madiskubre ang nakadapang bangkay ni Elgine Agsaway, 35, sa mismong kama ng 32 anyos na rape victim, isang maid sa bahay na tinitirahan nito sa Barangay Malitlit.
Inamin naman ng kasambahay na tubong Negros Oriental, na siya ang sumaksak sa biktima habang natutulog pa ito sa kanyang kuwarto.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa suspek, ginahasa umano siya ng biktima nung gabing yun matapos na siya ay pwersahang pasukin sa kanyang kuwarto. Matapos umanong makaraos ang lalaki ay nakatulog ito.

Sa galit ng babae, tinalian nito ang biktima, sinaksak ng tatlong beses sa dibdib at leeg kaya nasawi.

Nasa kustodiya na ng Sta. Rosa police ang suspek habang patuloy pang iniimbestigahan ang pangyayari. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.