Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rape victim na kasama ni Fabel may death threat

0 536

Nasa pangangalaga ng kapulisan ang 18-anyos na rape victim sa Cabugao, Ilocos Sur at ang pamilya nito matapos makatanggap ng mga death threat kasunog ng pagsasampa nito ng kasong rape laban kay Police Staff Sgt. Randy Ramos.

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief General Archie Gamboa na bigyan ng proteksyon ang pamilya dahil sa banta sa kanilang buhay. Nakikipagtulungan si Police Regional Office (PRO) 1 Director Brig General Jun Azurin para maging air thight ang kaso laban kina Ramos at Police Staff Sgt. Marawi Torda, pawang nakatalaga sa San Juan Municipal Police Station.

Matatandaang ang 18-anyos na dalaga ay kasama ng pinatay na 15-anyos na sa Fabel Pineda na ginahasa diumano nina Ramos at Torda, noong Hunyo 27 sa isang beach resort sa Cabugao, Ilocos Sur.

Sinubukan pa umanong aregluhin nina Torda at Ramos si Pineda at ang 18-anyos nitong pinsan sa halagang P180,000 upang huwag nang ituloy ang pagsampa ng kasong rape laban sa kanila pero hindi ito kinagat ng mga biktima kaya nagdagdag pa ng P30,000 ang mga suspek pero tinanggihan pa rin ito ng pamilya hanggang sa mapatay si Pineda noong Hulyo 2. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.