Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rapid test ayaw bitawan ng Malacañang

0 235

Gagamitin pa rin ng gobyerno ang rapid test para suriin ang mga Pilipinong posibleng may kontaminasyon ng COVID-19.

Sagot ito ng Malacañang sa pahayag ni Dr. Antonio Dans, tagapagsalita ng Healthcare Professions Alliance Against COVID-19 na “inaccurate” ang rapid test kit para gamiting pansuri sa mga hinihinalang dinapuan ng COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakatutulong ang rapid test sa pagtukoy sa mga hinihinalang COVID-19 infected at nakukumpirma ito sa pamamagitan ng Polymerase Chain Reaction (PCR) test.

Bukod dito, hindi aniya sapat ang PCR para sa buong populasyon ng Pilipinas na mahigit 110 milyon.

“May gamit po iyang rapid test na iyan. Ang mga lokal na pamahalaan, kapag sila ang nagbigay ng rapid test, kinu-confirm nila ang mga positives through PCR,” ani Roque.

Kilala aniya na tutol si Dr. Dans sa rapid test kit kaya hindi nakapagtatakang hindi niya suportado ang paggamit nito. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.