Abante Tonite Interactive

Rapist-killer ng pamangkin timbog

345

Nadakip ng pulisya ang isang lalaking gumahasa at pumatay sa kanyang 5-anyos na pamangkin sa Barangay San Miguel, Calumpit, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ni P/Col. Chito Bersaluna, direktor ng Bulacan PNP, ang suspek na si Marvin Mengulio, 23, taga-Purok 2, Brgy. San Miguel, Calumpit, Bulacan, na gumahasa at pumatay sa pamangking si ‘Lucy’.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Gerardo Andaya, hepe ng Calumpit Police, natagpuang palutang-lutang sa Pampanga River ang bangkay ni Lucy dakong alas-tres nang hapon nitong Hulyo 9.

Kaagad nagsadya ang mga pulis sa lugar at sa pagtatanong kay Mengulio ay napilitan itong umamin na siya ang nagdala kay Lucy sa pampang ng ilog habang natutulog ang bata at sinimulang gahasain.

Ngunit nagising si Lucy nang masaktan sa panggagahasa at pumalag kaya naitulak ng suspek sa ilog at nalunod.

Nabatid din sa ina ni Lucy na minolestiya na rin ni Mengulio ang bata noong 3-anyos pa lamang ito pero tumahimik lang ang mga ito. (Jun Borlongan)