Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rapist nakorner sa Maynila

0 35

Nadakip ng mga operatiba ng Manila Police District ang 29-anyos na lalaking wanted sa kasong rape, sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ito na si Al Rasid Muhammad, tubong-Lebak, Sultan Kudarat na naninirahan sa Baseco Compound, Port Area. Inaresto siya sa bisa ng warrant na nilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 15 noong Hunyo 29, 2018.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakatanggap umano ng impormasyon ang pulisya sa pinagtataguan ng suspek kaya kaagad kinasa ang pag-aresto dito.

Wala naman inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ang suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.