Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rapist ng PWD nabitag

0 91

Himas-rehas ngayon ang isang 58-anyos na lalaki matapos gahasa­hin ang isang babaeng may kapansanan sa San Pablo, Isabela, ayon sa Isabela Police Provincial Office (IPPO).

Ayon sa ulat ng San Pablo Police Station (SPPS) sa IPPO, kinilala ang suspek na naaresto kamakalawa ng umaga na si Mario Mamauag, residente ng Brgy. Lamo, Dupax de Norte, Nueva Vizcaya. Siya rin umano ang Top 6 most wanted person sa lalawigan ng Cagayan Valley sa Re­gion 2.

Sinabi ni Police Re­gional Office 2 (PRO2) spokesperson P/Col. An­dree Aella, si Mamauag ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng pinagsanib na puwersa ng IPPO at ibinaba ni Bayom­bong, Nueva Vizcaya Judge Romeo Habbiling ng Regional Trial Court Branch 37 dahil sa two counts of rape sa isang 17-anyos na batang babae na pipi at bingi sa naturang bayan sa nasabing lalawigan.

Walang inirekomen­dang piyansa ang korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.