Abante Tonite Interactive

Rapist ni Mabel pumiyok na!

By
34

Unti-unti na rin nakakakuha ng mga impormasyon ang Pasig City Police mula sa pangunahing suspek sa rape-slay sa 22-anyos na bank employee na si Mabel Cama.

Ayaw pang magsalita noong una ng truck driver na si Randy Oavenada, 37-anyos, kung sino-sino ang kanyang mga kasabwat sa krimen subalit sa paulit-ulit na pagtatanong sa kanya ay may mga nakukuha na umanong detalye at impormasyon ang mga imbestigador ng pulisya.

Subalit wala pang ibi­nibigay na detalye ang Pasig City Police kung anong mga impormasyon na ang kanilang napiga mula kay Oavenada.

Sa ngayon ay tinututukan na umano ng mga pulis-Pasig ang pagha­hanap sa apat na person of interest sa kaso ni Mabel gayundin ang iba pang posibleng testigo sa krimen.

Una nang nag-alok ng kabuuang P350,000 ang pamahalaang Lungsod ng Pasig at ang may-ari ng Mega Bus Line kung saan nangyari ang krimen para matukoy at maaresto ang mga sangkot sa rape-slay kay Mabel subalit wala pa di umanong kumakagat sa pabuya.