Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rapist sa Maynila tiklo

0 368

Arestado ng Manila Police ang 54-anyos na lalaki na nanggahasa diumano sa isang dalaga na malasing sa Tondo.

Inaresto si Joselito Jimenez sa bisa ng warrant of arrest na nilabas ni Hon. Marlo Malgar ng Regional trial Court Branch 19. Sa reklamo ng bikitma, mismong sa bahay umano ng suspek ginawa ang panggagahasa.

Related Posts

Bago ang panggagahasa ay nagkayayaan umanong uminom sa bahay ni Jimenez at dahil sa kalasingan hindi na nagawa ng biktima na makauwi sa kanyang bahay kaya ipinasiya nito na sa bahay na ng suspek matulog.

Hanggang sa maramdaman ng dalaga na hinuhubaran na siya ng short pants at panty ng suspek at hindi naman niya nagawang makapanlaban dahil sa sobrang kalasingan. Pinauwi naman ni Jimenez ang biktima matapos na makaraos, at dito na siya nagsumbong sa kanyang mga magulang. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.