Abante Tonite Interactive

Rapper huli sa bitag

569

Natimbog ng mga pulis ang isang local performer/rapper sa anti-illegal drugs operation sa Lucena City Sabado ng madaling-araw.

Hindi na nakapalag nang posasan ang suspek na si Kristoffer Garin Manlangit, 34, residente ng Brgy. Gulang-Gulang.

Isinagawa ng mga tauhan ng Quezon PNP, PDEA at Lucena police station ang operasyon laban sa suspek alas-dos ng madaling-araw sa Brgy. 11, kung saan dumating ang nakamotorsiklong suspek.

Nakabili kaagad ang poseur buyer na isang police ng ilang sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Matapos maaresto, nakuha pa dito ang pito pang sachet ng marijuana na nagkakahalagang P5K.

Nakakulong ngayon sa Lucena City police station custodial facility ang suspek at sasampahan na rin ng kasong paglabag sa Section 5 and 11, Art. II of RA 9165.

Si Manlangit ay No. 6 sa talaan ng regional watchlist ng mga drug personality sa Region 4 o Calabarzon. (Ronilo Dagos)