Abante Tonite Interactive

Rapper Tekashi nakalaya na

421

NI: RONA RONDA

Nakalabas na ng kulungan ang rapper na si Tekashi 6ix9ine matapos siyang umapela nang house arrest para sa nalalabi niya pang sentensiya.

Matatandaan na nagmakaawa si Tekashi sa New York judge na payagan siyang ma-house arrest dahil sa takot niyang mamatay sa coronavirus. Nakakaranas umano siya ng matinding asthma at madali umano siyang atakihin nito !

Ayon sa dokumentong nakalap ng The Blast, may nakasukbit na GPS monitoring device sa kanyang bukong-bukong sa loob ng apat na buwan. Ito ay para masiguro na mananatili lamang siya sa kanyang tahanan.

Dahil sa house arrest, madali umanong makakagawa ng bagong kanta at content ang rapper mula sa kanyang tahanan. Sa makatuwid, kahit na nakakulong ay tiyak na kikita pa rin siya

Tonite – Wendys Inhouse Ad