Abante Tonite Interactive

Rappler at Vera Files natutulog sa pansitan- Roque

0 348

Hindi umano ginagawa ng Vera Files at Rappler ang kanilang trabaho bilang mga `fact verifier’ ng Facebook dahil nakalusot ang fake news kaugnay sa pagiging probinsiya ng Pilipinas ng China.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na naturingang taga-bantay ng fake news sa Facebook ang Rappler at Vera Files pero umikot sa social media ang geo-tag na `Philippines, province of China.’

“Tinatawagan ko po ng pansin ang Vera Files at Rappler, sila po yung fact verifiers ng Facebook, bakit naman nakalusot ito?,” ani Roque.

Malinaw na fake news ang lumabas sa Facebook nitong weekened pero wala aniyang ginawa ang mga ito.

“Sana iyong talagang fake news ay talagang i-flag nila dahil ito ay clearly fake news,” dagdag pa ni Roque.

Hindi ito ang unang pagkakataon na umikot sa social media ang pagiging probinsiya ng Pilipinas ng China, dahil ginawa na rin ito ng hindi matukoy na mga grupo sa pamamagitan ng mga tarpaulin na ikinalat sa ilang lugar sa Metro Manila.

Tonite – Wendys Inhouse Ad