Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rappler binoldyak sa iskolar daw ni Leni

0 52

Sinupalpal ni Commission on Higher Education (CHED) chairperson Prospero `Popoy’ de Vera III ang news site na Rappler matapos nitong iulat sa Twitter na iskolar ni Vice President Leni Robredo ang isang lalaking may kapansanan.

Sa Twitter post ng Rappler noong Mayo 6, inilahad na ang 30-anyos na si Antonio Esquelador Jr. ay limang taon nang iskolar ni Robredo.

Si Esquelador ay isang lalaking ipinanganak na walang mga binti, at sumama sa isang Kakampink rally sa Albay.

“Antonio “Tony” Esquelador Jr, 30, of Barangay Puro, Legazpi City, braves the summer heat to make his way through 5 kms to join the May 8 Albay grand sendoff for VP Leni Robredo. He has been a scholar of the VP for the last 5 years,” saad sa Twitter post ng Rappler.

Ngunit ayon kay De Vera, si Esquelador ay benepisyaryo ng Tertiary Education Subsidy (TES) sa ilalim ng Republic Act 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

“‘Scholar of VP Robredo’? ‘Scholar of the VP’? He is a scholar/TES grantee of the Philippine government since 2018 under the Universal Access to Quality Education law (RA 10931),” saad ni De Vera sa kanyang Facebook post.

Wika pa ni De Vera, si Esquelador ay nasa listahan mismo ng CHED na isa siyang benepisyaryo ng TES.

“All scholars under CHED programs are government scholars, not scholars of politicians,” dagdag pa ni De Vera.

Sa panuntunan ng CHED, ang isang iskolar ng gobyerno ay hindi na puwedeng tumanggap ng iba pang scholarship. Kaya’t kung totoong si Esquelador ay iskolar ni Robredo, mawawala ang kanyang pagiging TES beneficiary.

“If indeed he is enjoying a scholarship or grant from another government agency, he can lose his UAQTE TES,” ani De Vera. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.