Abante Tonite Interactive

Rappler ginagamit ang Facebook sa pagtumba ng kalaban

210

Binakbakan ng mga netizen ang online news site na Rappler dahil pinipili lang diumano nito bilang fact-checker ng Facebook ang mga nais nilang ipabura sa naturang social media platform.

“As soon as Rappler was revealed to be a fact-checker of Facebook, we knew Rappler was only going to protect its interests,” komento sa Twitter ng netizen na si Jane Abao, editorial board member ng SAGE Open.

“…Any fact-checking it will do is merely to ­maintain its tag as FC w/o really working,” ayon pa kay Abao.

Abante Hiring – IT dep

Pinuna rin ng isa pang Twitter user na si Angelo C. Miguel ang pamamaraan ng Rappler bilang fact-checker ng mga balitang lumalabas sa social media.

Ayon sa kanya, wala man lang ibinibigay na ­abiso o hindi dumadaan sa due process ang Rappler sa ­ginagawa nito.
Kinuwestiyon naman ng isa pang netizen kung paanong magiging “credible fact-checker” ang Rappler samantalang gumagawa rin ito ng news reporting.

“Who will check them in the first place? Unless, of course, FB sees rappler as infallible which is farfetched,” komento ng Twitter user na si Pavegom16.

Iminungkahi pa nitong ikunsidera ng Facebook ang pamantayan sa kanilang fact-checker kung nais ng naturang social media platform na maging ­“reliable” sila.