Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rappler konting respeto kay Bro Eli!

0 99

Patuloy na nakakatikim ng mga batikos ang news website na Rappler dahil sa kawalan umano ng respeto sa namayapang `Ang Dating Daan’ religious leader Brother Eli Soriano.

Pumanaw si Soriano sa Santa Catarina, Brazil sa edad na 73-anyos noong Pebrero 12 sa hindi tinukoy na dahilan.

Kasunod nito ay pinutakti ng batikos ang Rappler dahi sa kawalang respeto umano sa paglalawaran sa namayapang televangelist sa kanilang report.

“Brother Eliseo `Eli’ Soriano, 73, who fled the Philippines as he faced a string of cases, was best known for his TV program `Ang Dating Daan’,” base sa tweet ng Rappler.

Nilagyan ito ng titulo na, “Controversial Christian preacher Eli Soriano dies”.

SM food to go Banner Ad

Isa ang manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz ang bumatikos sa Rappler.

“@rappler, konting respeto sa namayapa. Kaya nyo yan. Ayaw nyo lang,” reaksyon ni Diaz sa Rappler isyu.

Narito ang reaksyon ng ilan pang netizen.

“Rappler deserves a best in trashy news award. Why spread fake rumours about Bro Eli Soriano tapos hindi ilabas mga mabubuting nagawa ng iglesia maging sa mga taga labas. Sobrang misleading ng headline. Nakakagalit,” tweet ni @mrtnzchrstne.

“Maliban sa maraming fake news ang rappler, lalong hindi maganda yung words na ginamit nila regarding Bro. Eli’s death. Naku, Kaawaan nawa. Sana mag-shutdown nalang lahat ng nagkakalat ng misleading news,” sabi ni @Yuiichiko.(Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.