Abante Tonite Interactive

Raptors kumabig sa pagsugal kay Kawhi

498

Jackpot!

Sumugal ang Toronto Raptors kay Kawhi Leonard noong July.

Tinapos nila ang season na hawak ang kampeo-natong inagaw mula sa two-time champion Golden State Warriors.

Unang championship ng Raptors sapul nang pumasok sa liga noong 1995.

Ang 2018-19 season ng Toronto na natapos sa bagsak ng confetti, nagsimula sa Kenya. Doon ikinasa ni Raptors president Masai Ujiri ang trade na nagdala kay Kawhi, kasama si Danny Green, sa Toronto mula San Antonio Spurs.

Ipinalit ng Raptors si DeMar DeRozan – ang cornerstone ng dating team na laging nasa anino ni LeBron James at Cleveland Cavaliers sa nakalipas na dalawang season.

Sinibak pa ni Ujiri ang reigning coach of the year, ipinalit si Nick Nurse.
Sugal kay Leonard, dahil naka-siyam na laro lang siya noong 2017-18, bago biningwit ng Raptors ay hindi sigurado kung fully recovered na mula quadriceps muscle injury.

Isang taon na lang ang natitira sa kontrata ni Leonard, sinalo pa rin ng Toronto.

Pagkatapos ng regular season, lalo pang umangas ang laro ng bagong King of the North.

Ipinagtutumba ng Raptors ang Orlando Magic, Philadelphia 76ers at Milwaukee Bucks sa East playoffs para hamunin ang Warriors.

“We came all this way to compete, and we want to win in Toronto,” ani Ujiri. “And we will win in Toronto.”

Alam na ng mundo ang nangyari.

Nanalo sa sugal ang Raptors. Mali lang sa huli niyang prediksiyon si Ujiri, dahil sa Oakland nila kinumpleto ang panalo. (VE)