Abante Tonite Interactive

Raptors president Ujiri nambalya

412

Iba-ibang detalye ang lumulutang sa insidenteng kinasangkutan ni Toronto Raptors president Masai Ujiri sa isang sheriff’s deputy pagkatapos talunin ng team ang Golden State Warriors para maghari sa NBA Finals.

Ayon sa Alameda County Sheriff’s Office, tinulak ni Ujiri ang deputy at tinamaan sa mukha.

Pero “blown out of proportion” daw ang insidente, ayon naman kay Warriors fan Greg Wiener na nakasaksi sa alterkasyon.

Habang isineselbra ng Raptors ang panalo sa Oracle Arena, nagtangka raw pumasok ng court si Ujiri nang hindi pinapakita ang kanyang credentials, ayon kay sheriff’s office spokesman Ray Kelly.

Tinulak raw ni Ujiri ang deputy para makapasok sa court. Tinangkang pigilin ng deputy si Ujiri, tinulak din palabas. Sa pangalawang pagkakataon, tinulak ni Ujiri ang deputy at tumama ang braso o siko nito sa mukha ng deputy. (VE)