Abante Tonite Interactive

Raptors walang sama ng loob kay Leonard

0 569

Basag na ang championship team ng Toronto, tapos ng isang season sa Raptors ay tumawid na sina Kawhi Leonard at Danny Green sa Los Angeles.

Si Leonard sa Clippers, si Green sa Lakers. Sabay dumating ng Toronto ang dalawa noong nakaraang July mula San Antonio kapalit ni DeMar DeRozan.

Pagkaraang ihatid ni Leonard ang Toronto sa unang NBA title sapul nang sumali sa liga 24 na taon na ang nakakaraan, naging guessing game ang susunod na hakbang ng two-time Finals MVP.

Abante Hiring – IT dep

Mananatili sa Toronto, o maghahanap ng ibang team.

Naghanap pala siya, pumayag na sa four-year, $142 million deal sa Clippers. Makakasama niya roon si Paul George na kumalas na rin kay Russell Westbrook sa Oklahoma City Thunder.

Balik sa Toronto sina Marc Gasol, Pascal Siakam at Kyle Lowry, pero mabigat na hamon na para sa kanila ang pagdepensa ng titulo.

Ang unang sagot ng Raptors ay pasalamatan sina Leonard at Green.

“We are very thankful for the year that Kawhi and Danny played with us here in Toronto, and I know the city and the entire country of Canada are grateful for everything they did to help us win our first NBA championship,” anang statement ni Raptors president Masai Ujiri. “On behalf of the Raptors, I say a very heartfelt thank you to Kawhi and Danny, and we send them and their families nothing but good wishes.” (VE)