Abante Tonite Interactive

Ratings ng ‘GGV’ isinalba ni James

Tinalo nina Boobay, Tekla

686

tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio

Ganyan ang tunay na lalaki. May bayag at paninindigan! Marami ang humanga sa walang halong pag-iimbot at buong katapatang pag-amin ni James Reid na sila ni Nadine Lustre ay co-habiting/live-in na. How brave for this relatively young man to be this truthful!

Ang pag-amin ay nangyari sa how true na lugami na nga ba sa ratings na “Gandang Gabi Vice”? Naku ha, Boobay at Tekla, anong pasabog ang pinantapat niyo sa payanig ni Reid.

Tatlong taon na ang relasyon nina Reid at Nadine at diretsahang inamin ang pagli-live in.

Siyempre pa-surprise at shookt ang mga audience. Hindi na naman bago pa ang chikang ito pero bongga pa rin na nag-man up si James at nagpakatotoo.

Ang pag-aming ito ni Reid, makaapekto kaya sa “Ulan,” ang bagong pelikulang bida si Lustre? Ang huling pelikula ni James ay “Miss Granny,” kasama niya sa pelikula si Sarah Geronimo kaya kahit paano, kainaman ang box-office returns nito.

Si Lustre, si Carlo Aquino ang kapareha. Ang CarGel kaya, susuportahan pa ang “Ulan” lalo na nga’t alam na alam na sa kasulukuyan na dapat pala “Gamitan” o “Manggang Hilaw” ang dapat na titulo para sa “Exes Baggage?”

Si Marco Gumabao ay kasali rin sa pelikula na sadly wala pang kahit na anong pelikulang puwedeng i-credit na siya ang dahilan kaya pumatok ito. Hindi puwedeng siya ang dahilan kaya kumita ang “Aurora” dahil nga si Anne Curtis ang bida nito. Sa mga ibang pelikula ni Gumabao na hindi major star ang bida, alam naman nating luhaan sa takilya.

Rated A ang “Ulan” mula sa Cinema Evaluation Board. Hindi naman garantiya na ‘pag graded A, ang mga tao ay magiging mausisa at susugod sa mga sinehan. Hindi kaya ang “A” na ito ay maging double whammy na ARAY?
Aray dahil aaray ito sa takilya at aaray rin dahil ang live-in admission ni James, pinagkibit-balikat lang at ang balana at madlang pipol, dedma sa pagiging modern coupling nila ni Nadine?

Kung magiging mahina ito sa takilya, ano na ang mangyayari sa karera ni Nadine Lustre?

Ara nanawagan para kay Deborah Sun

Ang diva that you love, kasama ang ilan pang members of the entertainment press, dumayo pa talaga sa Lipa para panoorin ang Cesar Soriano’s “The Last Interview (The Mayor Antonio Halili Story).”

Of course, may mga nagustuhan ako sa pelikula. Hindi ko kilala at all si Mayor Tony kaya binuksan nito ang pag-iisip ko tungkol sa kanyang buhay bilang ordinaryong mamamayan hanggang siya ay magserbisyo publiko.

Gusto ko rin ‘yung pagpapakita na hindi siya perpektong tao. Flawed at may mga kapil­yuhan pero natatauhan sa mga ginagawa niyang hindi naayon sa kagandahang asal at nakakasakit sa pamilya niya.

Mauunawaan mo rin kung bakit niya pinapahiya ang mga magnanakaw at pushers. Mapapagtanto mo pa na talagang ang galamay at mga galawan sa industriya ng droga eh pangmalakasan. Ang best sa pelikula, siguradong hindi pam-political propaganda kasi nga ipapalabas ito after the elections na.

Nakaka-jolt ang actual footages na isinama sa pelikula lalo na ‘yung assassination sa namayapang mayor.

The height ang pagi­ging cinematic at drama­tic nito.

Speaking of drama, mahusay, nabigyang buhay nina John Estrada at Ara Mina ang kanilang mga mapanghamong katauhan, bilang mag-asawang Tony at Gina.

Habang naghahapunan, hindi maiwasang maitanong kay Hazel (tunay na pangalan ni Ara) tungkol sa pagtulong niya sa character actress na si Deborah Sun.

Three years na palang pinapatira ni Mina si Sun sa isang bahay niya. At inilalambing niya pa ito sa mga executive producers na kakila niya para magkatrabaho ito.

Ang nasa aktres, “Sana, bigyan siyang muli ng pagkakataon na makapag-work dahil nagbago na siya.”

Si Estrada, may reaksyon sa pagiging Kapuso na rin ni Mylene Dizon. Matatandaan na may unconfirmed chismis dati tungkol sa dalawang mahusay na artista.

Wala raw issue kay John ang tungkol sa pagiging Kapuso na ni Dizon. Alam niyang kailangan nito ang trabaho. Magna­nimous si Estrada patungkol sa katotohanang ito.