Abante Tonite Interactive

Ratratan ng mga Eba

246

Inaanyayahan ng Philippine Sports Commission ang mga Eba na lumahok sa isa sa makabuluhan nilang taunang programa.

Ito ay ang 6th Wo­men’s Martial Arts Festival 2019 na nakatakda sa May 28-31 sa Harrison Plaza sa Dakota (M. Adriatico) St. sa Malate, Maynila.

Bukas po ang apat na araw na okasyon ito sa lahat, national athletes, training pool members, developmental pool, recreational athletes at ma­ging sa mga newbie.

Abante Hiring – IT dep

“We want to continue what we’ve started in last year’s edition, and that is engaging with more than 1,600 women and children, playing sports and exercising their right to do so,” ani PSC Commissioner Fatima Celia Hicarte Kiram.

Nagkaroon ng programang ito ang national government sports agency bilang suporta sa Republic Act No. 9710, o “Magna Carta of Women”, na nagtatakda sa mga babae na magkaroon ng pantay na karapatan sa paglahok sa sports.

“For this year, we will be featuring 10 sports namely, arnis, fencing, judo, karatedo, muay thai, pencak silat, taekwondo, wrestling and wushu,” panapos ni Kiram.

Sa May 27 na ang last day of submission of entries via electric mail. Pwedeng ipadala via email sa host na Karate Pilipinas Sports Federation Inc. sa karatewomenscup@yahoo.com.

Dapat namang dalhin sa May 28 ng 10:00 am ang PSC waivers at mag-register pa rin sa Harrison Plaza tungo sa mga kompetisyon sa May 29-31.

***

Happy birthday po sa mga nagdiwang ng kanilang kaarawan sa buwan ng Mayo:
Samuel Cruz (May 10), Johnny Calipjo (15), Beatrice Gocuan at Marites Generoso (16), Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez (18), Leilani de Ocampo dela Peña (20), Maria Lunha Sanchez Gocuan (21), at sa iba pa pong May celebrants. Cheers!