Abante Tonite
Mabilis sa Balita

RAV4 owner tumumbok ng sikyo, namumuro sa frustrated murder

0 117

Patung-patong na kaso ang kakaharapin ng driver ng sports utility vehicle (SUV) na sinadyang sagasaan ang security guard na nagmamando ng trapiko sa Mandaluyong City noong Linggo.

Ayon kay Mandaluyong Police chief PCol. Gauvin Mel Unos, posible ring kasuhan ng frustrated murder ang hindi pa kinikilalang driver bukod sa ihahain dito na reckless imprudence resulting in physical injuries.

Batay aniya ito sa nakita nila sa video na ginawa ng suspek sa biktimang si Christian Floralde nang pagulungan pa niya ito sa tiyan at kaliwang binti habang nakahiga matapos niya itong bundulin.

SM food to go Banner Ad

Base sa report ng LTO ang sasakyan ay nakapangalan sa isang Jose Antonio SanVicente.

Samantala, nakatakdang humarap ang driver sa intelligence division ng LTO ngayong araw .

Pinasusumite rin siya ng written explanation kung bakit hindi dapat suspindihin ng 90 araw ang kanyang lisensya at makasuhan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.