Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ravena, NLEX atat sa girian

0 106

May sarili nang countdown ang NLEX Road Warriors bago magbukas ang PBA Season 46 sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Ready nang makipagpukpukan sina Kiefer Ravena, Kevin Alas, Jericho Cruz, JR Quinahan, pati si rookie Calvin Oftana.

“We know how good Calvin is, knowing that he’s the NCAA MVP, but we didn’t realize that he could be better and he has been showing that during our practices,” ani coach Yeng Guiao Martes sa kanilang No. 3 pick sa nakaraang March draft.

Si 6-foot-5 Oftana ang naging timon ng San Beda sa NCAA.

Sa edad 25, hinog na si Oftana sa pro league.

Maliban sa collegiate league, nakapaglaro na rin siya sa PBA D-League at naging miyembro ng national team.

“We expect him to make an immediate impact for us this coming season,” dagdag ni Guiao.

Si veteran forward Larry Fonacier, handa na ring magpakawala muli ng mga pamatay na tira sa labas ng arc.

Hindi nakasama si Fonacier sa Clark bubble noong nakaraang taon nang tumapos ang NLEX sa 5-6 baraha, sapat sa 9th place at kinapos sa playoffs. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.