Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ravena, Alas bibida sa NLEX

0 128

Nawala sa NLEX si Poy Erram noong February nang mai-trade sa TNT.

Nagdesisyon din si veteran sniper Larry Fonacier na mag-pass muna sa PBA bubble sa Clark.

Sa restart ng Philippine Cup sa October, sina Kiefer Ravena at Kevin Alas ang babandera sa atake ng Road Warriors.

Pumirma ang dalawang star guards ng parehong three-year contract extensions sa NLEX sa kaagahan ng buwan, asahan na ang mas mahabang minuto na ibibigay sa kanila ni coach Yeng Guiao.

Gigil bumawi ang backcourt duo na nagarahe sa halos kabuuan ng nagdaang season.

SM food to go Banner Ad

Galing ang 26-year-old, six-footer Ilonggo na si Ravena sa FIBA-imposed 18-month suspension.

“God is good! 3 more years with my team! Hoping to achieve great things with our group!” tweet noon niya.

February ng nakaraang taon nang igupo ng ACL tear ang 6-footer din at tubong Las Piñas na si Alas, nakabalik noong Nov. 12- araw ng kanyang 28th birthday.

“Signing the two, Kiefer and Kevin, is an indication that we want to form the strongest team possible that is capable of challenging the usual contenders for a championship,” pahayag ng Road Warriors tactician.

Makakapiga rin si Guiao ng quality minutes kina Jericho Cruz, Philip Paniamogan, Bong Galanza at Mike Miranda.

Si veteran slotman JR Quinahan ang pangunahing big ng NLEX hahalili sa binakante ni Erram. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.