Abante Tonite Interactive

Ravena, Alas taya ng Gilas

By
2,206

Malaking responsibilidad ang nakaatang sa balikat nina Kiefer Ravena at Kevin Alas sa pagsagupa ng Gilas Pilipinas sa Australia mamayang hapon sa Melbourne.

Kumpleto na ang 12-man lineup ng Gilas na isasabak sa window 2 ng 2019 FIBA Cup Asian Qualifiers, pero wala si premier guard Jayson Castro.

Tiwala ang coaching staff na mapupunan ng dalawang guard ng NLEX ang puwestong binakante ni Castro.

Hindi pa 100 percent ang laro ng pambato ng Nationals na si Castro, nagka-injury (twisted ankle) sa laro ng TNT KaTropa sa PBA.

Hindi rin nasama sa final 12 si Jio Jalalon na nananakit ang paa, mapapahaba ang oras nina Ravena at Alas.
Nagdesisyon ang coaching staff na hindi niya isusugal ang lagay ni Castro.

“We’ve decided to just play the guys who are not experiencing nagging injuries at this point,” paliwanag ng coaching staff nang ihayag sa Facebook Live kahapon ang kanyang final 12.

Nag-average si Castro ng 20 points, 5 assists at 5 rebounds sa window 1 ng FIBA World Cup qualifying, bagay na susubukang punan nina Ravena at Alas.

“Both of them have been playing very well in the PBA,” dagdag ng coach. “You all know Kiefer accounted himself very well in the first window. It’s hard not having our top point guard, but this is the opportunity for Kiefer to step in and for Kevin to get a lot more minutes than he usually gets.”

Ang iba pa sa lineup ay sina Matthew Wright, Calvin Abueva, Carl ­Bryan Cruz, Allein Maliksi, Gabe Norwood, Roger Pogoy, Japeth Aguilar, June Mar Fajardo, naturalized Andray Blatche at new addition Abu Tratter.

Parehong 2-0 ang Pilipinas at Australia sa Group B. (Vladi ­Eduarte)