Abante Tonite Interactive

Ravena, Ashaolu problema ng SMB

334

Walang nakikitang tapon si San Miguel Beer coach Leo Austria sa lineup ng NLEX.

Lahat ng hugot ni Road Warriors coach Yeng Guiao, nagde-deliver.

Isa pang problema ni Austria ang shooting ng NLEX.

“Our main concern is their outside shooting, kasi 51 percent ng kanilang field goals nanggagaling sa 3-point shots,” punto ni Austria.

‘Di lang ang nagbabalik mula 18-month FIBA suspension na si Kiefer Ravena at import Olu Ashaolu ang pamato ni Guiao.

“It means all of them are licensed to take the perimeter shot, so we have to extend our defense,” dagdag ng SMB mentor. “But the problem there is they have a good big man, their import, who can work well in the shaded area. Kaya nagkakaroon ng luwag sa labas. Maraming shooters, meron kang pupuntahan inside.”

Ang suwabeng execution ang dahilan kaya umaarangkada ang NLEX, sa 3-0 card ay nasa tuktok ng PBA Governors Cup standings kabuhol ang TNT. ’Di rin naman naiiwan ang SMB, nasa likod lang sa 2-0.

Mamayang hatinggabi gabi (alas-8 ng gabi sa Maynila), magpapang-abot ang Beermen at Road Warriors sa Coca-Cola Arena sa Dubai sa unang araw ng back-to-back games ng NLEX.

Bukas ay Ginebra naman ang sasagupain ng mga bataan ni Guiao.

Naga-average si Ashaolu ng 25.7 points, 11.3 rebounds at 3.3 assists. Si Ravena ay may matikas na stats line na 20 points, 8.0 rebounds at 7.3 assists.

“Kita naman natin na Kiefer always wants to take over sa game at nagiging stabilizer ng team,” wika ni Austria.

Inisa-isa pa ng coach ang support cast nina Ashaolu at Ravena.

“Nandiyan din ‘yung (Philip) Paniamogan, (Bong) Galanza, (Paul) Varilla, (Kenneth) Ighalo. ‘Di lang sila one-way players, mga two-way players” panapos niya. “We really need to have a good gameplan against them, then we will see what happens.” (VE)