Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ravena astig ng Shiga

0 165

Tinanghal si Kiefer Isaac Ravena bilang Monthly Most Valuable Player ng Shiga Lakestars para sa buwan ng Disyembre 2021.

Nakakuha ang Pinoy import mula sa Iloilo City ng pinakamataas na botong 65.7% sa ‘Monthly MVP presented by MyNet ng nasabing Japan B.League team. Sumunod kay Ravena si Teppei Kashiwagura na naka-22.5% at Novar Gadon na may 11.8% votes.

Gagawin ang awarding ceremony para sa Monthly MVP ng koponan bago ang pakikipagtuos nila kontra Toyama Grouses sa 6th Japan B.League 2021-22 regular round game sa Enero 26, Ukaruchan Arena sa Otsu City, Shiga Prefecture.

SM food to go Banner Ad

Pumoste ang 28-year-old, six-footer point guard ng 11.9 points, 5.5 assists, 1.6 rebounds at 1.5 steals per game sa liga sa nakaraang buwan.

Makakabangga muna ni Kiefer at Lakestars ang kanyang nakababatang utol na si Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III at San-En Neophoenix sa Jan. 22 at 23 sa Toyohashi City General Gymnasium, Aichi Prefecture. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.