Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ravena balik praktis sa Japan

0 416

Balik practice na kasama ang San-En Neophoenix sa Japanese B.League si Asian import Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III mula sa dalawa at kalahating buwang pagkakagarahe dahil sa injury.

January 2 nang madisgrasya ang 24-year-old, 6-foot-2 Pinoy shooting guard na-diagnosed na may metacarpal oblique fracture sa kanyang right ring finger.

Inoperahan naman agad iyon ng Jan. 7 at pinayagan siyang mamahinga dalawa hanggang tatlong buwan para sa recovery. Nag-average siya ng 8.8 points, 3.7 rebounds at 1.6 assists.

Isang video ang ibinahagi ng Neophoenix sa kanilang Facebook page Huwebes kung saan ipinasilip ang pag-eensayo na ni Ravena.

“He has already resumed practicing with the ball! Ravena’s return is just around the corner,” ayon sa team. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.