Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ravena binida ng ex-PBA import

0 300

Wala mang dugong Pinoy, proud na binida ni dating Philippine Basketball Association (PBA) import Ricardo Ratliffe si phenom Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III.

“My boy, Thirdy from the Philippines because I know he’s the future. He’s the future,” pagmamalaki ng naglaro sa Star Margarine Hotshots (Magnolia na ngayon) noong 2016 at 2017 na reinforcement.

Ito’y sa kabila na nakatakda pa lang sumalang Japan pro hoops (B.League) ang 23-anyos, may taas na 6-2 shooting guard para San-en Neo Phoenix ng Japanese B-League bilang import.

Maangas ang performances ng 6-foot-8, 31-year-old na sa kasalukuyang si ‘Ra Gun-ah’ sa Magnolia, nabigong makasungkit ng kampeonato ang team.

‘Di man nagtagal sa bansa, pamilyar ang American cager sa ilang lokal na manlalaro, gaya ni Thirdy dahil matagal na rin itong naninirahan sa Asia kung saan naturalized player siya sa South Korea.

Noong Nobyembre pa natapos ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 82 2019-20 at puwedeng magpa-PBA Rookie Draft noong Disyembre si Ravena. Pero hindi nag-apply dahil sa kagustuhang matikman ang international bago dumating ang alok ng Japanese. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.