Abante Tonite Interactive

Ravena, Blue Eagles beast mode sa G1

376

Walang balak sina Thirdy Rave­na at Ateneo de Manila University (ADMU) Blue Eagles na pakawalan ang kanilang korona.

Kaya ‘beast mode’ na sila agad sa Game 1 ng best-of-three finals nila kontra University of Santo (UST) Tomas Growling Tigers sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament sa Smart Araneta Coliseum alas-4:00 ng hapon.
Three-peat seeking ang Blue Eagles kaya pinapaboran pa rin silang manalo sa serye matapos walisin ang douoble round elimination, 14-0.

Noong Season 80 ay pinabagsak ng Ateneo ang DLSU Green ­Archers sa Finals at muling nanaig noong nakaraang season kontra UP Fighting­ Maroons.

“We’re not unbeata­ble, I know that. We just haven’t been beaten yet. If we continue to do our job and we continue to focus on excellence and don’t let ourselves slip back then we will be difficult to beat,” paha­yag ni Blue Eagles head coach Tab Baldwin.

“If in the end nobody beats us then that will be something we’re very proud of.”

Bukod kay Ravena, tiyak na mananalasa rin sina Matt at Mike Nieto,­ Isaac Go, Adrian Wong at Angelo Kouame para sa Ateneo. (Janiel Abby ­Toralba)