Abante Tonite Interactive

Ravena, Bolick sa ‘Chooks’-CPC Awards

258

Tampok sa 2019 Chooks-to-Go C­ollegiate Press Corps Awards ang mga bigatin at pinakamahuhusay na collegiate superstars ng UAAP at NCAA kasama ang SportsVision sa Mayo 27, Lunes sa Amelie Hotel Manila.

Ilan sa mga paparangalan ay ang collegiate men’s basketball champions ng NCAA na San Beda University Red Lions at UAAP na Ateneo de Manila University Blue Eagles.

Katuwang ang Amelie Hotel, Northport, World Balance, at AXA Team EDS, paparangalan din ng special awards ang mga natatanging atleta para sa kanilang ipinakitang husay sa dalawang liga.

Sa NCAA 94, pinangunahan nina Red Lions Robert Bolick at Jayvee Mocon ang ikatlong sunod na championship title ng Beda.

Samantalang bumida naman para sa Eagles si Thirdy Ravena para masungkit ang back-to-back championship sa UAAP 81.

Bukod sa mga atleta, a-attend din sa event ang mga sportswriter, sports reporter, at sports editor ng bansa. (JAT)