Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ravena bulilyaso sa All-Star Game

0 63

Dahil sa hand injury, bulilyaso ang All-Star Weekend stint – All Star Game at Slam Dunk Competition – sa 2021 B.League ni Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III, sa Adasutria Mito Arena sa Mito City, Ibaraki Prefecture, Japan sa darating na January 15-16.

Kabilang ang 24-year-old, 6-foot-2 shooting guard sa B.White team na sasalpok sa B.Black squad sa ikalawang araw ng okasyon sa unang taon niya sa liga bilang Asian import.

Pero nagka-fracture ang ikaapat niyang daliri sa kanang kamay sa laban ng team niyang San-En Neophoenix nitong Sabado, Enero 2 kontra Sun Rockers Shibuya nang habulin ang isang loose-ball sa third quarter.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inanunsyo Miyerkoles ng liga na si Takuya Kawamura ng SeaHorses Mikawa na ang aako sa puwesto ni Ravena, habang hindi na kumuha ng kapalit sa slot niya sa labanan sa dakdakan,

Pinahayag nitong Martes ni Ravenan na sasailalim siya sa matinding medikasyon, pasalamat sa mga nagpaabot na gumaling agad ang pilay niya, tinatayang may isa’t kalahating buwan bago maka-recover.

“We are now in the process of getting myself back to a hundred percent as soon as we can but I do understand that it will be an arduous journey to recovery.” (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.