Abante Tonite Interactive

Ravena, Cignal, dederetso sa 8

390

Nakakaamoy ng dugo si coach Tab Baldwin at Cignal-Ateneo, target bingwitin ang isa sa mga top spot sa 9th PBA D-League 2019 Aspirants Cup sa pagharap sa matikas ding Che’Lu Bar and Grill.

Tangan ang 7-1 baraha, mainit ang Blue Eagles habang may five-game win streak para masungkit ang twice-to-beat advantage kontra Revellers ngayong Lunes, alas-tres ng hapon sa JCSGO Gym sa Cubao, QC.

Pero bukod sa magandang posisyon sa playoffs, may isa pang nais si Baldwin para sa kanyang mga bataan.

“When you go through an offseason, your system should grow. We don’t do a lot of our system stuff in January through June, but little by little, we’re introducing a couple of different things that we may or may not use later on,” saad ng American mentor.

Kanyang sasandalan ang mga maasahang beterano ng Eagles na si Thirdy Ravena at ang magkapatid na Matt at Mike Nieto.

Ang Che’Lu, sisikaping makabalik sa playoff contention matapos gulatin ng Go for Gold-CSB. (Ray Mark Patriarca)