Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ravena didribol sa All-Star

0 211

Maraming Pinoy import sa pangunguna ng mag-utol na Kiefer Isaac at Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III ang mga sasabak sa Asia-Rising Star Game ng 6th B.League All-Star Weekend 2022 sa darating na Jan. 14 sa Okinawa Arena sa Okinawa City, Japan.

Puwedeng mag-qualify sina Ravena (Kiefer ng Shiga Lakestars at Thirdy ng San-En NeoPhoenix) at iba pang mga Asian sa ilalim ng Asian Player Quota sa Asia Rising Star Game laban sa mga young hooper ng Japanese B.League.

Bukod sa mga Ravena na mga nasa B.League Division 1 ng liga, sina Bobby Ray Parks Jr. ng Nagoya Diamond Dolphins, Kobe Lorenzo Paras ng Niigata Albirex BB, Dwight Ramos ng Toyama Grouses, at Javier Joaquin ‘Javi’ Gomez de Liaño ng Ibaraki Robots ang mga inaasahang sasalang sa midseason extravaganza. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.