Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ravena, Duremdes may mga isisiwalat

0 69

Usapang basketball ang magiging sentro ng talakayan sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Online Forum sa pagbisita ng MILO-BEST Center at Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ngayong Martes.

Ibabahagi nina MILO Ambassador at BEST Center graduate Kiefer Isaac Ravena ng NLEX sa PBA, MILO sports executive Luigi Pumaren at BEST Center Executive Vice President Monica Jorge ang latest sa pagtatambal ng MILO at BEST Center ngayong may COVID-19.

Tatalakayin naman ni MPBL commissioner Kenneth Duremdes sa public sports program na mga hatid ng San Miguel Corporation, Go For Gold PH, MILO Philippines, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Smart at Upstream Media, ang natitirang playoff games at finals ng 3rd Lakan Cup sa posibleng pagbabalik ng semi-pro league.

Mapapanood ang two-part program, simula sa alas-10 nang umaga ng live sa PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at Radyo Pilipinas 2 FB page. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.