Abante Tonite Interactive

Ravena family nagpakain sa mga nasa checkpoint

618

Namigay ng packed meals ang pamilya Ravena sa mga frontliner na sumasagupa sa coronavirus.

Maliban sa dasal, naisip ng mag-anak ni TNT coach Bong Ravena na ayudahan ang mga nagbabantay sa checkpoints.

Sa mga larawan sa social media, masayang nagre-repack ang pamilya.

Kasana ng mag-asawang Bong at Mozzel ang mga anak na sina Kiefer, Thirdy, Dani at girlfriend ni Kiefer na si volleyball star Alyssa Valdez.

Sa munting paraan anila na maitutulong, gagawin nila. Inuna nila ang frontliners.

“Kasi sila ‘yung talagang nagsa-sacrifice ng health nila para sa health ng buong bansa,” ani Kiefer. “Kaya sobrang na-appreciate namin ng family ko ‘yung ginagawa nila.”

Nagsabi aniya si Kiefer sa Chooks-to-Go, at agad tumugon ang kumpanya.

Kasama sa packed meals ang rice, chicken at salad.

Bago ang curfew ng Huwebes ng gabi, lumarga na sila at namigay sa mga militar at pulisya na nasa checkpoints sa Cainta. (VE)