Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ravena hihigpitan depensa ng Tropa

0 195

Game 2 bukas (AUF gym)

6 pm – Ginebra vs. TNT

(Gin Kings lead series 1-0)

Smart Clark Giga City – Hindi gumanang depensa ang nakikita ni coach Bong Ravena kaya tumukod ang TNT sa Ginebra 100-94 via overtime sa opener ng PBA Philippine Cup Finals Linggo ng gabi sa Smart 5G-powered AUF gym.

“Talagang medyo sloppy kami at the start, eh,” pag-amin ni Ravena pagkatapos ng laro. “The whole game, we’ve been struggling especially on our defense. ‘Yun lang naman. ‘Di kami puwedeng maglaro ng ganyang klase.”

Iba raw ang angas ng Tropang Giga sa semis kontra Phoenix.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Ang layo, eh,” aniya. “We cannot play this way.”

Pantay lang ang field goal shooting ng Ginebra (34 of 79) at TNT (33 of 80) sa regulation. Sa OT nagkatalo.

Natapos ang first 48 minutes sa 92-92, sa extra time ay 1 of 6 na lang sa field ang Tropa – walang pumasok sa apat na tira sa labas ng arc. Sa kabila, 4 of 8 ang Gins.

Nangamote ang TNT sa rebounding department, naiwan 60-24. Kumalawit ng pinagsamang 33 boards sina Japeth Aguilar (16), Scottie Thompson at Aljon Mariano para sa Ginebra.

Nakita na ni Ravena ang dapat gawin para bumawi sa Game 2 bukas.

“Stick to the game plan, especially sa depensa,” giit ng coach. “Kung ano’ng gagawin namin, kung ano’ng rotation na kailangan. Little things, like boxing out. Mga maliliit na bagay na ‘di namin nagawa.”

Malamang namang ‘di makalaro sa Game 2 Finals bukas si TNT guard Ray Parks dahil sa paglala ng left calf strain na nakuha sa kaagahan ng bubble. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.