Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ravena, iba pa nag-golf

0 106

Nag-golf ang ilang players at coaches ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Filinvest Mimosa Plus Leisure City Golf Course sa Clark Freeport Economic Zone bubble sa Angeles, Pampanga nitong Martes.

Parte na rin ng routine ito para sa kanilang paghahanda habang papalapit ang restart ng 45th PBA Philippine Cup 2020 eliminations sa darating na Linggo, Oktubre 11.

Ilan sa mga lumaro sina James Carlos Yap Sr. ng Rain or Shine, Kiefer Isaac Ravena ng NLEX, Sean Anthony ng NorthPort, Diego Dario, Matthew Salem at Blackwater Bossing coach Nash Racela, at San Miguel Beer assistant coach Jorge Gallent. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.